Wednesday, March 04, 2009

Mga Sitwasyon


Ano nga bang pumapasok sa isip ko?
Bakit nga ba sa tuwing naiisip kita 'di ko maiwasang
maisip na may kasama kang iba?

Bakit ba ang pakiramdam ko
ngayong wala ka
ay
lungkot at dismaya?

Dahil ba wala akong magawa sa sitwasyong
gusto kitang makita, bakit bawat oras na
ako'y nakatingin sa malayo at nakatunganga,
mukha mo lang ang syang nakikita?
Dahil ba ang pusong ito'y ikaw lang
ang sinisinta?

Naalala mo kaya ako

ngayong sa mga sitwasyong gusto mong
may makausap at makasama?
Kasi ako sa bawat lungkot
at sa bawat saya,
ikaw lamang ang naiisip at nakatatak
sa ala-ala.
 

Free chat widget @ ShoutMix